SINAKSIHAN NAMIN ang shoot ng music video ng Mocha Girls para sa kanilang bagong album na 18+Restricted na iri-release na ngayong
weekend sa mga music stores. May 11 tracks ang nasabing album at ang isa sa mga kanta rito ay ang ‘Pinay Ako’ kung saan sa music video nito ay ibinandera ng Mocha Girls ang Philippine flag.
Hindi naman nila ito isinuot dahil bawal pero sa jacket nila sa ilang eksena ay makikitang Philippine flag ang disenyo nito. Bakit naman kaya nila naisip na gamitin ang flag sa kanilang music video? Ani Mocha Uson, ang leader ng grupo, “Yung aming concept kasi is being proud as a Filipina at ang pinakamagandang simbolo noon is ang flag po ng Pilipinas, kaya proud po kami na binabandera po namin ang bandera natin and sa tingin ko ay kami ang modern Filipina, matapang, open-minded, wise tapos may sariling pag-iisip.”
Medyo pop-rock ang tunog ng kantang ‘Pinay Ako’ at madali itong sabayan ng mga Pinoy. Pero baka lilikha ito ng bagong kontrobersiya dahil nga baka sabihin ng ilan na ‘nababastos’ nila ang ating flag. Sexy kasi ang dating ng kanta pati na ang mga sayaw nila rito. Ano kaya ang masasabi nila rito?
“Wala namang masama sa pagiging sexy, ibig lang namang sabihin noon ay inaalagaan namin ang katawan namin. Kung baga, ‘yun ‘yung modern Filipina.” Dagdag pa ni Mocha, “Bakit naman natin ipagdadamot ang flag eh, Filipino rin naman kami, amin din ‘yan… dito kami ipinanganak and dapat nga proud tayo kung sino man ang gagamit ng Philippine flag.”
Nakuha raw nila ang konseptong ito sa kanilang director na lumaki sa New Zealand. Du’n daw kasi, kapag ginamit ang kanilang flag sa mga kantang katulad ng ginawa nila ay parang nakaka-relate ang mga nakakapanood nito at magiging proud dahil sumisimbolo ito sa pagmamahal sa bansa. Sana raw huwag silang batikusin dahil inaalagaan nila ang ating simbolo na isinasagisag nila sa kanilang kanta.
Abangan na lang natin ang paglabas ng music video at tayo na mismo ang huhusga sa kalidad nito. Abangan!!!
HAPPY NAMAN kami sa bagong development sa career at buhay pag-ibig ni Christian Bautista. After kasi na magkaroon ng kontrobersiya sa aberyang nangyari sa kanya sa Indonesia, ngayon ay super in love naman itong Asian Pop Idol kay Carla Dunareanu, ang co-star nito sa Kitchen Musical.
Officially raw naging sila noong February 14, isang magandang gift daw sa kanya ‘yung pagsagot sa kanya ng Chinese Romanian star.
Ito naman bale ang isa rin sa masasabi nating sweetes gift sa kanya dahil nagsi-celebrate si Christian ng kanyang ika-sampung taon sa music industry.
Ipinagmamalaki namin si Christian dahil never siyang nagbago at hindi niya nakakalimutan ang aming pangalan kahit baguhan pa lamang kaming manunulat. Ikaw na, Papa Christian!
KAUSAP NAMIN si Carlo Orosa during Christian Bautista’s 10th year in showbiz presscon at ikinuwento nito sa amin na nawindang din siya sa mga pangyayari, ilang araw lang matapos pumirma ng kontrata sa kanila si Hayden Kho. Pero ayon pa rito, palagi naman daw silang nag-uusap ni Hayden at sa ngayon ay nagpapalamig na raw muna ito at hindi pa raw handang magsalita.
Itutuloy pa rin daw ni Hayden ang planong pag-aartista. Ang magandang balita, nakatakdang ibalik na raw sa alaga niya ang lisensya nito ng pagiging doctor. Malapit na raw ito kaya naman inspired at excited na si Hayden na magamit na ang kanyang napag-aralan bilang doktor. Well, let’s wait and see na lang kung magkatotoo nga ito.
Sure na ‘to
By Arniel Serato
No comments:
Post a Comment